Alamat ng mga Saging

Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin.

Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya.

Alamat ng mga Paniki

Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon. Pinagtatalunan nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at mayamang kagubatan. Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit na sila ang mas nararapat kaysa sa isa. Dahil dito nag-away-away ang mga mababangis na hayop at mga ibon. Naglabanan sila upang makita kung sino ang tatagal at mananaig.

Alamat ng mga Kamote

Ilang daang taon na ang nakalipas nang magkaroon ng matinding tagtuyot sa mundo. Mainit ang panahon at walang ulan. Ang mga pananim ay nanuyot at ang mga alagang hayop ay nagkasakit at namatay. Dahil dito, halos walang makain ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mga paraan upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pagkain. Isa sa nahanap nilang paraan ay ang pangangaso.

Alamat ng mga Bituin

Noong unang panahon, walang makikitang buwan o mga bituin sa kalangitan upang magbigay ng liwanag sa gabi. Si Haring Buwan ay naninirahan pa noon sa lupa. Kilala siya bilang isang mahigpit at di pala-ngiting hari.

Wala pang asawa ang hari sapagkat ito ay mapili. Marami nang mga hari ang ninais na ipakasal ang kanilang mga anak na dalaga kay Haring Buwan wala ni isa dito ang nagustuhan niya.

Alamat ng Isandaang mg Pulo

Ang bayan ng Alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng isandaang maliliit na mga pulo (Hundred Islands) sa kanyang karagatan. Ngunit may kuwento kung paano nagkaroon ng mga pulong ito. Ang isandaang mga pulo ay umusbong pagkatapos ng isang di makalilimutang pangyayari sa nasabing bayan.

Alamat ng Dama de Noche

Noong unang panahon, may isang maharlikang mag-asawa na biniyayaan ng isang anak na lalaki. Sapagkat, may kaya sa buhay, lumaki ang bata na sinusunod ng mga magulang ang lahat ng kagustuhan nito. Hanggang sa magbinata na nga ito at natututo ito ng maraming bisyo. Kasama ng mga kaibigang tulad din niya ay mga maharlika, natututo itong uminom, magsugal at mambabae.

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng anak. May dalawang taon nang nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit wala pa rin silang mga supling.

Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak ay kanila ng sinubukan. Nagawa na nilang magsayaw sa kalye kasama ng iba pang mga mag-asawang hindi rin magka-anak; nasubukan na rin nilang uminom ng iba’t ibang dahon-dahon na ayon sa matatanda ay makapagbibigay ng kanilang ninanais at kung ano-ano pang mga seremonyas. Ngunit wala pa ring supling ang nabuo sa sinapupunan ng babae.

Alamat ng Alitaptap

Ilang libong taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng matinding tagtuyot sa mundo. Ang mga pananim ay nanuyot at nasira at pati na rin ang mga alagang hayop ay nagkasakit at namatay. Walang ulan at ang mga ilog ay natuyo na rin dahil sa init ng sikat ng araw.

Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.

Alamat ng Kuwago

Noong unang panahon, sa isang puno sa gubat ay nagpang-abot ang mga ibon na si kalapati at si kuwago. Nag-usap ang dalawa habang sila ay nagpapahinga. Kung saan-saan naabot ang kanilang kuwentuhan hanggang sa nagpayabangan ang dalawa kung kaninong pangkat ang may mas maraming kasamahang ibon.

Parehas na iginigiit ng dalawa na sila ang mas marami kaysa sa isa. Napagkasunduan nila na upang mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng totoo ay magtatawag at magtitipon sila ng kanilang kauri. Magkikita sila bukas sa lugar ding iyon upang bilangin kung sino nga ang mas nakararami.

« 1 2 ... 24 25 26 27 28 »