Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon. Pinagtatalunan nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at mayamang kagubatan. Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit na sila ang mas nararapat kaysa sa isa. Dahil dito nag-away-away ang mga mababangis na hayop at mga ibon. Naglabanan sila upang makita kung sino ang tatagal at mananaig.